Napaisip lang ako bakit nga ba bato ang nilulunok ni Narda para maging darna? Bakit hindi nalang chiklet? oh kahit anong bagay na malambot? oh hindi kaya isang matrial na pwede mo iluwa at isubo ng paulitulit pero hindi nakakadiri?"tulad ng mouth piece" Ito ay nakakapagbagababag, dahil nakita ko kanina na pinapalabas and Darna sa 7 sa ikalawang pagkakataon pero iba na ang gumaganap ky Darna. Ang katanungan na ito ay isang misteryo tulad ng kung bakit dinidiinan mo ang pag pindot sa remote ng TV samantalang alam mo na mahina na ang batirya nito. Oh hindi kaya bakit parisukat si spongebob tulad ng sponge na ginagamit natin, samantalang ang kanyang lola at lolo ay pabilog ang hugis tulad ng sea sponge? "hindi kaya ampon si spongebob?"
Alam ko na ngayon kung bakit maputi ang bato ni narda dahil ito ay puro laway nya. At isa pa ang pag-papalit any nya ay voice activated. Pero meron isa ulit katanungan paano kung nagkamali sya at nasabi nya ang salitang Narda habang nakikipag laban oh habang lumilipad? ano ang mangyayari sakanya?
Pero bakit ba talaga bato? sa larangan ng medisina pag sumubo ka ng bato eh mabubulunan ka at hindi makakahinga? nakakaloko lang talaga bakit sa lahat ng bagay at bato na mula kalawakan ang naisip ni Mars Revelo? nalulung ba sya sa BATO oh mahilig sya sumubo? kung ano man ang rason mali talaga ung bato eh. -.-